Pekeng pera, kumakalat sa Naga

Mahigpit ngayon ang monitoring ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa napaulat na patuloy na pagkalat ng pekeng pera sa Bicol region.

Batay sa impormasyong ipinalabas ng BSP, aabot sa apat na bagong P500 at P1,000 bills at 30 bagong P200 bill na pawang peke ang hawak nila ngayon.

Ayon kay Cynthia Areiola, ng BSP, hindi nila inaasahang magiging ganito kabilis ang pamemeke sa new generation currency, na mahigit isang taon pa lamang sa merkado.

Lalo pang maghihigpit ang BSP sa monitoring ngayong nalalapit na ang mid-term elections sa Mayo 2013. – Beth Camia

Share and Enjoy

  • Facebook
  • Twitter
  • Delicious
  • LinkedIn
  • StumbleUpon
  • Add to favorites
  • Email
  • RSS