PAREHONG nagbubunyi ang magkaibigang senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada sa panalo ng kanilang respective families sa nakaraang 2013 elections. Panalo ang mag-ina ni Sen. Bong na sina Lani Mercado (congresswoman) at Job o Revilla (vice governor), ang siblings niyang sina Strike (mayor) at Rowena (councilor), samantalang win naman ang daddy ni Sen. Jinggoy na si former President Joseph Estrada (Manila mayor) and his daughter Janella (councilor).
This early, inaabangan kung magkakalaban naman sa vice- presidential race sina Sen. Bong at Jinggoy sa 2016 presidential elections. Ayaw pa lang kumpirmahin ng huh i na siya ang makaka-tandem ni Vice President Jejomar Binay na tatakbo bilang presidente.
Kung hindi man vice president ang inaambisyon ni Sen. Bong, may tsikang diumano’y kakandidato siya bilang presidente. Sino naman kaya ang makaka-tandem niya?
Birthday girl
Kumandidato pala bilang councilor sa isang bayan sa Cebu ang mommy ni Eula Caballero. Masaya niyang ibinalitang nanalo ang mommy niya.
Ani Eula, magandang birthday gift sa kanya ang panalo ng mommy niya. Birthday ni Eula on May 23 at double celebration ang gagawin nila. Victory party ng kanyang mommy at birthday party niya.
Dagdag saya rin kay Eula ang pagdating ng daddy niya mula sa Qatar. Doon ito nagtatrabaho at umuwi lang ito ng Pilipinas para magbakasyon. Matagal nang hindi nakikita ni Eula ang kanyang daddy, kaya nilubos nila ang bonding moments nila.
Aniya, nagpunta muna sila sa Palawan bago sila tumuloy sa Cebu. Sobrang saya ni Eula dahil nagkaroon sila ng kanyang pamilya ng pagkakataong muling magkasama-sama. Ayon sa bida ng “Cassandra: Warrior Angel,” since nag-showbiz siya, matagal na siyang hindi nakakauwi sa Cebu.
Maybe next time
Lihim sigurong natuwa
Article source: Manila Bulletin Newspaper Online




